Kahahanga-hanga ang mga Tsismosa Umaga pa lang nagsisimula na. Mga Bibig nilang walang kapaguran Hatid ay balitang kakaiba. Daig pa ang radyo, sila ay pinakikinggan. Pinaniniwalaan, Pinagkakatiwalaan pa. Di na kailangan maging Journalist Di na kailangan maging Newscaster. Hindi man sila guro Marami sa kanila ay natututo. Hindi man sila politiko Marami sa kanila ay nahihikayat. Mabuti rin silang kaibigan. Talagang pasisikatin ka. Pagkat mga balita nila Ikaw din ang laman. Kaya kung sa lugar mo Maraming tulad nila Magalak at magdiwang Pag-asa ng bayan ay nasa iyo!